4 na Chinese huli sa pekeng dokumento sa NAIA

NAIA-pic

NAKAPIIT na ngayon sa Immigration Jail sa Bicutan, Taguig City ang apat na Chinese national makaraang madiskubreng peke ang travel documents ng mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Napigil ang biyahe patungong China ng mga Chinese na sina Chen Yuan, Kai Yin Ji, Hi Mim Bao at Jan Wei Kwan matapos mabisto ng Bureau of Immigration (BI) na fake ang kanilang iprinisintang travel documents.

Inamin naman ng apat na overstaying na sila sa Pilipinas.

Lumitaw din sa insiyal na imbestigasyon na ang apat ay pawang mga biktima ng fixer sa bansa na nagmanipula ng kanilang dokumento.

Ayon kay Immigration Intelligence Chief Ma. Lourdes Mangrobang, bukod sa mga pekeng dokumento ay fake na rin ang visa extension ng mga dayuhan at ang Immigration clearance certificate sa kanilang pasaporte.

Inihahanda na ng BI ang deportation ng apat na banyaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply