4 patay, 6 sugatan sa engkwentro sa Sultan Kudarat

military-injured

Tacurong City, Sultan Kudarat – Apat ang patay, habang anim ang sugatan sa  engkwentro ng dalawang grupo sa Barangay Penguiaman sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat at General Salipada K. Pendatun sa Maguinidanao.

Nabatid na ang grupo nina Kumander Bansil ng 106th Base Command at Kumander Bausad ng 105th Brigade ang nagkabanggaan dahil sa awayan sa lupa.

Samantala, agad namang nagsilikas ang 200 mga residente ng lugar dahil takot na maipit sa nasabing insidente.

Sa ulat ng awtoridad , apat ang kumpirmadong patay at dalawang sugatan sa kampo ni Kumander Bansil ng 106th Brigade ng MILF Base Command at dalawang mga sugatan sa panig ni Kumander Bausad ng 105th Base Command.

Malakas ang kutob ng mga awtoridad na galing General Salipada K. Pendatun ang mga nasabing armado na nang-harass gamit ang matataas na kalibre ng baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply