4 pulis, inireklamo ng pambubugbog

PNP-AIDS

NAGHAIN ng reklamo sa Commission on Human Rights (CHR)- Caraga ang ina nang isang dispatcher na binugbog umano ng apat na miyembro ng Butuan City Police Office.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima na kinilalang si Sulpicia Hinelsa, dinampot ang kanyang anak ng mga pulis dakong alas-dose ng hatinggabi noong Enero 6 at dinala sa punong himpilan ng pulisya na ikinulong sa detention cell.

Nang bumisita siya sa detention cell ng Butuan City Police Office hindi na niya nakita pa ang kanyang anak na si Junrey Hinelsa, isang dispatcher, tubong P-2 Brgy. Limaha, Butuan City .

Mas nadagdagan ang hinagpis ng ina nang makauwi sa kanilang bahay ang anak na puno ng pasa sa katawan.

Itinurong suspect ang apat na mga police Officer ng BCPO at isa sa apat na kinilala ng biktima ay si P/Senior Insp. Reynante Sibayton-Precinct Commander ng Butuan City Police Station 1.

Napag-alaman na pinagbintangan si Junrey na nagnakaw sa baril ng isang police officer na itinanggi naman ng nasabing biktima.

Sa kabilang dako tumanggi si Major Sibayton na magbigay ng kanyang panig.

Sinisiguro naman ni P/Sr. Supt. Nerio Bermudo, Butuan City Police Director na imbestigahan ang naturang insidente para papanagutin ang may sala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply