4 sasakyan sinuwag ng trak sa CDO, 5 todas, 19 sugatan

LIMA ang nalagas habang 19 naman ang sugatan nang suwagin ng isang 10-wheeler truck ang apat na sasakyan sa Cagayan de Oro City nitong nakaraang Disyembre 29, ayon sa ulat kaninang umaga (Enero 1) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang naantalang 6:00 a.m. report, sinabi ng NDRRMC na naganap ang insidente dakong alas 6:00 p.m. nitong nakaraang Sabado sa Barangay Puerto sa Cagayan de Oro City.

“The truck was on its way to Barangay Puerto proper when it collided with a public utility jeepney, a van, a sport utility vehicle, and a motorcycle,” pahayag ng NDRRMC.

Ayon sa NDRRMC, ang mga biktima ay nagtamo ng multiple injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isinugod sa kalapit na ospital.

Kinilala ang mga kaswalidad na sina Hardylyn Placencia, Rey Ragulasyun, 41-anyos, Apolinario Ubial, 39-anyos, Paulo Bajan Canduli, 22-anyos, Reuben Butal Ukay, 24-anyos.

Sugatan sina Millyn Rose Abello, Alexander Pialagao, Mona Pangcatan, Pacita Aguilar, Virginia Uypala, Janet Jumangin, Flordeliza Aninao, Roel Rivera, Madilyn Pabillore, Wenceslao Amad, Catalina Cajera, Maria Lisa Catalan, Gaudiosa Duhaylungsod, Rufo Abruqueno, Paaran Ramilas. Adrion Ramilas, Clarita Ramilas, Ronnie Ramilas, Miraflor Terante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply