5 arestado sa paghitit ng shabu

crime4

DAGUPAN CITY – Lima katao ang kalaboso matapos itong maaktuhang humihithit ng shabu sa isang bahay sa Barangay Alac, bayan ng San Quintin, Pangasinan.

Ang mga suspek na hindi na nakapalag ay kinilalang sina Marlyn Casayuran, Pepito Casanova, Edwin Corpuz, Garry Orje at Rodel Carcedo, pawang mga residente ng nasabing bayan.

Bago maganap ang pananalakay ng mga San Quintin Philippine National Police (PNP), nakatanggap umano ng tawag sa isang concerned citizen na malapit sa hang-out ng mga suspek na nagkakaroon ng pot session.

Matapos matanggap ang nasabing impormasyon, nagsagawa agad ang local police ng pananalakay.

Sa puntong ito, na corner ang mga suspek habang nag sasagawa ng pot session.

Sa nasabing raid, nakakuha ang mga awtoridad ng mga ilang gramo ng shabu at drug paraphernalia.

Ang mga suspek na nakakulong ngayon sa San Quintin detention cell ay nahaharap sa kayong pag labag sa anti-illigal drug act.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply