5 bayan sa Lanao Norte, inilagay sa AIC

INILAGAY na sa area of immediate concern (AIC) ang limang bayan na nasasakupan sa Lanao del Norte na mahigpit na binabantayan ng pulisya kaugnay sa nalalapit na 2013 midterm elections dito sa ating bansa.

Ang naturang bayan ay binabantayan matapos na natukoy na kabilang sa
”areas of immediate concern” dahil sa mainit na awayan ng mga pulitiko.

Ayon kay Lanao del Norte provincial director S/Supt. Gerardo Rosales na kabilang sa mga ito ay ang bayan ng Balo-i, Munai, Salvador at Pantaw Ragat na kapwa makikita sa mga mabundok na lugar.

Sinabi ni Rosales na maraming pulis ang kanilang ikinalat sa nasabing mga bayan upang maiwasan ang anumang election related incidents.

Dagdag ni Rosales na wala naman silang nakikitang problema sa coastal towns ng probinsya.

Napag-alaman na una nang sinabi ng PNP-DILG na kabilang ang Misamis
Occidental sa 15 lalawigan sa buong bansa na ikinokonsidera nilang nasa election hot spots sa darating na halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply