5 katao dumalo sa summit sa SMX Mall, nalason

poison

LIMA katao ang namilipit sa sakit ng tiyan at sunud-sunod na nagsuka matapos kumain ng almusal na inihain ng food provider sa ginanap na summit sa SMX Mall of Asia sa Pasay City.

Ang mga biktima ay dinala at nilalapatan ngayon ng lunas sa San Juan de Dios Hospital bunga ng nararanasang pananakit ng tiyan dahil sa pagkakalason.

Kinilala ang mgabiktima na sina Omar Ryan Vicentino, 17, Estudyante ng Far Eastern University, residente ng No. 753-A Cristobal St., Sampaloc, Manila; Czariana Castillo, estudyante ng FEU, residente ng 2678 Blk. 22, Lot 12 Orchid St., Caloocan City; Ann Janet Castilla, 19, estudyante ng Polytechnic University, residente ng 567 Ayala boulevard, Ermita Manila; Anna Marie Herrera, 39, Marketing consultant ng GiveMe Unlimiter Inc., residente ng No. 88 /Shaw Boulevard, Pasig City at Liza Lee, 28, admin. assistant ng Gonegosyo, na nakatira sa Blk. 15 Lot 9 Sto. Niño St., Maligaya Subdivision, Quezon City.

Napag-alaman na ang mga biktima ay naimbitahang dumalo sa Go Negosyo Filipino  Technoprenuership summit na ginanap sa conference room ng SMX Mall of Asia dakong 9:30 kahapon ng umaga (January 21).

Ang mga biktima ay inabutan ng breakfast pack na nakasilid sa styrofoam na naglalaman ng sausage, itlog, at sinangag.

Ilang minuto matapos kumain ay nakaramdam na ng pamumulikat ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ang mga btiktima. Ilan sa mga biktima ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Batay sa findings ni Dr. Grace Sanchez, nagkaroon ng acute gastroenteritis ang mga biktima na naging dahilan ng pagkakalason.

Sa kabila nito, hindi na naghain pa ng reklamo ang mga biktima sa organizer ng forum pati na sa pamunuan ng SMX.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply