5 mangingisda tiklo sa dynamite fishing

behind-bars

LA UNION – Inaresto ng La Union Maritime Group ang limang mangingisda matapos maaktuhang nag-aangkat ng iba’t-ibang klase ng isdang putok o mga isdang galing sa dynamite fishing sa costal area San Fernando, ng lalawigan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Bobby Lagao, 43; Amado Cacayura, 47; Raymundo Baculan, 26; Jomar Laroco, 26 at Rommay Cacayuran, 18, pawang mga residente ng Barangay Baybay, Sto Tomas, La Union.

Sa inisyal na report ng La Union Philippine Coast Guard (PCG), naaktuhan ng maritime patrol ang fishing boat na “2 Lucky Brothers” na nagbababa ng mga isda.

Nabatid na wala ring lisensya ang nasabing fishing boat para mangalap ng isda sa dagat na nasasakupan ng La Union.

Nakumpiska sa mga suspek ang kulang-kulang na 100 kilo ng iba’t ibang klase ng isda, 20 litrong gasolina at mga fish net na ginagamit sa pangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply