5 stude sugatan sa landslide sa Misamis Occidental

SUGATAN ang limang mag-aaral makaraang magka-landslide sa Sitio Namut, Barangay Tongko, Tudela sa Misamis Occidental.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Cherilyn Gumalingan, 15; Analyn Empil, 13; Arle Empil, 13; Joy Villanueva, 13, at Sheryl Baloloy,16, mga residente ng nasabing lugar.

Bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan na nagsimula pa noong nakaraang araw ay bumigay ang mga bato mula sa bangin.

Nabatid na una nang lumambot ang bukiring bahagi ng Tudela na nagresulta sa pagguho ng lupa sa naturang lugar.

Tumulong naman sa pagligtas sa mga biktima ang Misamis Occidental Search and Rescue Team.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply