55 katao patay sa Algeria hostage crisis

algeria-four_2454430b

UMABOT na sa 55 katao ang patay sa apat na araw na hostage taking sa isang gas complex sa Sahara, Algeria.

Sa report ng Algerian interior ministry, kabilang sa mga casualty ay 23 hostages at 32 naman sa panig ng Islamic militants matapos na magkaroon ng standoff.

Una nang umatake ang Algerian military sa mga militants, na may hawak na maraming bihag sa loob ng gas complex.

Kaugnay nito, nagpahayag ng  kalungkutan si Prime Minister Abdelmalek Sellal hinggil sa naging resulta ng pag-atake.

Samantala, nakauwi na sa Pilipinas ang ilang Pinoy na nadawit sa madugong hostage crisis sa Algeria.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply