6-anyos pisak sa delivery truck

dead-inmate

PISAK ang ulo ng 6-anyos na lalaki makaraang magulungan ng delivery truck ng alak sa San Dionisio, Iloilo.

Nabatid na papaalis na sana ang trak na may kargang alak na minamaneho ni Rodolfo Buenas, ng Estacia, Iloilo, sa palengke ng naturang bayan subalit hindi nito nakitang naatrasan pala niya ang biktimang si Mark Jason Bañes ng Barangay Tiabas, San Dionisio habang naglalaro.

Sinisigawan umano siya ng tao sa naturang lugar ngunit hindi naman nito narinig.

Nabatid pa na pumailalim sa gulong ng delivery truck ang ulo ng biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Sumuko naman ang driver ng truck at kasalukuyang nakakulong sa San Dionisio Municipal Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply