6 patay sa sunog sa Olongapo City

(UPDATE) ANIM ang patay kabilang ang tatlong US national, South Korean national at dalawang babae sa sunog na naganap sa isang hotel sa Olongapo City, Biyernes ng umaga.

Nag-umpisa ang sunog sa ikatlong palapag ng Dryden Hotel & Restaurant na nasa No. 58 National Highway, Barrio Barretto, Olongapo City, Zambales.

Inaalam pa ng mga fire investigator ang pagkakakilanlan ng mga biktima na ang isa ay inilarawang lalaki na nasa 80 taong gulang.

Patuloy din ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala nito.

Ayon kay Olongapo City Civil Defense chief Angelito Layug, ang naturang lugar ay tambayan ng mga retiradong US servicemen.

“Ang lugar na ito ay tambayan ng marami rin na bilang ng mga retiradong American servicemen,” pahayag ni Layug.

Sinabi ni Layug na nagpasyang tumira ang mga ito sa paligid ng Olongapo matapos i-pull out ng US military ang kanilang tropa sa Subic Naval Base noong 1991.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply