6 sugatan sa tumagilid na van

emergency

NASUGATAN ang anim na empleyado ng isang ahensya nang tumagilid ang kanilang sinasakyang van kaninang umaga sa southbound lane ng EDSA-Balintawak, Quezon City.

Ayon kay Anne Oliva, may-ari ng agency dakong pasado alas-2:00 ng madaling araw kanina nang maganap ang aksidente habang lulan ng hi-ace van na may plakang TIO 824 ang mga empleyado na pawang mga tauhan niya.

Batay sa pahayag ni Oliva, galing sila sa burol ng isang empleyado sa Valenzuela City at papauwi na sa kani-kanilang bahay nang maaksidente.

Nabatid na may iniwasang taxi ang van, na biglang umanong huminto, dahilan para tumagilid ito.

Giit pa ni Oliva, maayos ang pagpapatakbo ng driver ng van at hindi umano ito lasing.

Dahil sa aksidente, nawasak ang van, at nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling pa sa ospital ang mga di pa pinangalanang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply