164 sugatan sa traslacion ng Black Nazarene

nazarene-incident

UMABOT na sa 164 ang bilang ng mga nasugatang deboto ng Black Nazarene sa isinagawang traslacion ngayong umaga.

Ito, ayon sa Manila Police District Tactical Operations Center (MPD-TOC), ay nagsimula lamang bandang alas 11:00 kaninang umaga .

Ayon kay Sr. Supt. Ronald Estilles, ng Deputy District Director for Operation ng MPD, pawang mga minor injuries lamang ang sugatan ng mga deboto.

Ilan, aniya, sa kanila ay nabubog dahil nakayapak at ilan naman ang nahilo dahil sa sobrang dami ng deboto na sumali sa traslacion.

Mayroon din, aniyang, iniulat na nawalan ng malay habang nasa prusisyon at isang lalaki na hindi makahinga dahil inatake ng asthma na agad namang dinala sa Ospital ng Maynila.

Sa pagtaya ng MPD, umabot sa kalahating milyon ang dumagsa sa Quirino Granstand at sumama sa traslacion .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply