7-buwang buntis nahulog sa motorsiklo, tigok

crime3

UTAS ang isang buntis at ang pitong buwang sanggol na nasa sinapupunan nito makaraang mahulog habang nakaangkas sa motorsiklo sa Albay, kaninang umaga.

Nabagok ang ulo ng biktimang si Leizel Belleza, 22-anyos ng Bonga, Bacacay, Albay na isinugod pa sa Bicol Regional Trainning and Teaching Hospital pero hindi na umabot na buhay.

Pinag-aaralan pa ng pulisya kung sasampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng motorsiklo na si Domingo Belardo, residente ng San Andres, Albay.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa isang bisinidad national highway ng Barangay Padang.

Ayon kay Belardo, bago ang insidente ay sinabihan niya ang biktima na sumakay na lamang sa pampasaherong jeep para mas ligtas sa pagbiyahe pero nagpumilit pa rin itong umangkas sa kanyang motorsiklo.

Tumatakbo na aniya sila sa nasabing national highway nang biglang mahulog ito sa kanyang kinauupuan dahil sa kanyang madulas na kasuotan.

Depensa naman ni Belardo, mabagal lamang ang kanyang pagpapatakbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply