7 pusakal arestado

behind-bars-2

TAGUIG CITY PITONG hinihinalang kriminal na sangkot sa ibat-ibang uri ng kaso ng krimen ang magkakahiwalay na dinampot ng mga awtoridad sa ibat-ibang lugar ng Metro Manila, ayon sa ulat ng pamunuan ng Camp Bagong-Diwa ng naturang lungsod noong Miyerkules ng tanghali.

Sa ulat ng NCRPO-PIO, nakilala ang pitong pinaniniwalaang pusakal na wanted sa pag-uusig ng batas at binitbit sa ibat-ibang distrito ng National Capital Region na sina Juanito Vida, 48 at may kasong attempted homicide, Mark Gil Sones, 20, may kasong pandarambong o robbery, Kerby Aguilar, 24, may kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal gambling, Jonnell Evangelista, 20, may kasong paglabag sa RA 7610 o violence against women and children.

Kabilang din sa mga wanted na inaresto ng mga awtoridad ay sina Armi Baldonado, na may kasong estafa, Jose Reyes IV, na may kasong robbery, at isang nagngangalang Luisito Argana, 42, at may kasong paglabag sa RA9165 o illegal drugs.

Sinabi ng pamunuan ng NCRPO na nakatakdang panagutin ang mga suspects sa kanilang ginawang krimen laban sa lipunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply