708 gun owners humiling ng exemption sa Comelec

gunn

MAHIGIT 708 katao na ang humihiling sa Commission on Elections (Comelec) na mabigyan ng gun ban exemption.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hanggang nitong Enero 17, 2013 ay nakatanggap na sila ng 708 requests para ma-exempt sa gun ban.

Sa naturang bilang, 69 pa lamang ang napagkalooban nila ng exemption.

Kinakailangan kasi aniya na pag-aralan munang mabuti kung sinu-sino sa mga taong naghain ng request ang nararapat na pagkalooban ng exemption.

“708 requests filed. 69 granted. No other details available at this time,” ayon pa kay Jimenez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply