73 local candidates diniskuwalipika ng Comelec

comelec-3

DINISKUWALIPIKA at hindi pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na tumakbo sa May 13 midterm elections ang may 73 local candidates mula sa iba’t ibang lugar sa bansa na tumatakbo sa magkakaibang posisyon.

Sa naturang bilang, 63 ang idineklarang nuisance candidates o panggulong kandidato habang ang 10 ay diniskuwalipika dahil hindi naabot ang age requirement ng isang kandidato o hindi kaya’y hindi naman rehistradong botante sa lugar kung saan nito nais na tumakbo.

Batay sa Commission en banc Resolution 9610 na na-promulgate noong Enero 11, 2013, kinatigan nito ang rekomendasyon ng Law Department at Provincial Election Supervisors, regional election directors at local election officers sa buong bansa hinggil sa pagdidiskuwalipika sa mga naturang kandidato.

Sinabi ng poll body na maituturing na isang nuisance candidate ang isang kandidato kung hindi sila seryoso o wala silang tunay na intensyon na tumakbo sa halalan, at ang tanging gusto lamang ay makapagdulot ng kalituhan sa mga botante o ‘di kaya’y gawing katatawanan ang eleksiyon.

“The above memoranda contain fact-finding investigations and preliminary hearings by the field officials, showing, among others, that there are nuisance candidates who have filed their certificates of candidacy to put the election process in mockery and disrepute and cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates and by other circumstances or acts which clearly demonstrate that they have no bona fide intention to run for the office for which the COC has been filed,” bahagi ng resolusyon.

Kinansela rin ng Comelec ang certificates of candidacy (COC) ng mga naturang kandidato at inalis ang kanilang pangalan sa Candidates’ Profile System at Certified List of Candidates para sa May 13, 2013 Elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply