75 motor riders huli sa paglabag sa Helmet Law

helmet1

UMABOT sa 75 motor riders ang hinuli ng Land Transportation Office sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Memorial Circle dahil sa kawalan ng ICC stickers sa kanilang mga suot na  helmet kaninang umaga, Enero 4, 2012.

Ito’y  bunsod  na rin sa pagpapatupad  ng  LTO  sa Republic  Act  10054  o  ang Motorcycle  Helmet  Act .

Ayon  sa  LTO, kailangan na may Import Commodity Clearance stickers  (ICC) ang mga helmet ng bawat riders upang masiguro na dumaan ito sa pagsusuri bago  inaprubahan ng Department of Trade and Industry para na rin sa proteksyon ng mga motorista.

Batay sa R.A 100054, lahat ng lalabag dito ay pagmumultahin ng: 1st offense – P1,500, 2nd offense – P3,000 , 3rd offense – P5,000, 4th offense – P10,000 at rebokasyon ng lisensiya .

Hindi rin  pinalusot ng LTO ang isang miyembro ng Quezon City Police (QCPD)  na walang helmet at  lisensiya at  Department of Public Order and Safety (DPOS) na bagamat may suot na helmet ay wala namang ICC sticker.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply