79 -anyos lolo naiuwi ang P9 milyon lotto jackpot

lotto-winner

MAHIGIT P9 milyon ang naiuwi ng 79-anyos na lolo makaraang masapul ang tamang kombinasyon ng 6/42 lotto na binola noong Enero 15 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Mga numero sa kalendaryo ang nagbigay ng malaking suwerte sa retiradong kawani ng Makati City mula sa tinayang P60 na nagresulta sa pagkakapanalo ng jackpot prize na P9,994,768.20 nang makuha ang tamang kombinasyong 22-18-09-10-05-01 na kauna-unahan niyang tama sa loob ng 17-taong pagtaya sa lotto.

Matapos namang tanggapin ang tseke kanina na katumbas ng tinamaang jackpot prize kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, inihayag ng lolong milyonaryo na ilalaan niya sa kanyang kaisa-isang anak at mga apo ang malaking bahagi ng napanalunang salapi, bukod pa sa pagbibigay ng donasyon sa simbahan bilang pasasalamat sa tinamasang suwerte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply