8-anyos totoy todas sa boga ng kapatid

crime9

TODAS ang 8-taong gulang na bata makaraang aksidenteng mabaril ng sarili niyang kapatid noong bisperas ng Bagong Taon sa Taytay, Palawan.

Nabatid na naglalaro ang biktimang si Gian Paulo Dela Vega, ng Sitio Kawakayan, Barangay Alacalian nang mabaril ng kanyang 12-anyos na kapatid na noon naman ay kinakalikot ang isang improvised na baril na pagmamay-ari umano ng kanilang kapitbahay.

Agad na lumayas ang  menor de edad na suspek  dahil sa takot ngunit bumalik din makalipas ang ilang araw at kasalukuyang sumasailalim sa counseling kasama ang kanyang mga magulang.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng baril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply