8 lalawigan signal no. 1 sa bagyong Bising

NASA ilalim ng public storm warning signal ang may walong lalawigan bunsod ng pananalasa ng bagyong Bising.

Ang mga nasa ilalaim ng signal no. 1 ay ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Western Samar at Eastern Samar.

Sa inilabas na pinakahuling forecast ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 170 kilometro hilagang-silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Napanatili ng bagyong Bising ang lakas nito habang kumikilos sa direksiyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Taglay ni Bising ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Asahang bukas ng umaga, si Bising ay nasa layong 110 kilometro hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes at sa Lunes ng umaga ito ay nasa layong 360 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply