8 todas, 9 sugatan sa nag-amok sa Cavite

3-dead

UMAKYAT na sa walo ang namatay kabilang ang suspek, habang 9 iba pa ang nasugatan sa walang habas na pamamaril ng isang lalaki na sinasabing apat na araw nang naglalasing at nagdodroga sa Barangay Tabon I, Kawit, Cavite kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Ronald Bae, sinasabing kumandidato noon sa pagiging kapitan pero natalo, na napatay din ng mga rumespondeng mga pulis.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay ng suspek, mula pa noong Bagong Taon nila nakitang umiinom ng alak ang suspek na nakuhanan din ng droga ng awtoridad na hinalang tinira rin ni Bae.

Kaninang umaga, nagulat na lamang ang mga kapitbahay ng suspek sa nasabing barangay nang walang habas na namaril si Bae gamit ang kanyang kalibre .45 na baril.

Unang naitalang namatay ang tatlo katao sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen, habang binawian ng buhay sa pagamutan ang lima pa.

Kasalukuyan namang ginagamot ang 9 katao na pawang nasugatan sa pamamaril.

Sa imbestigasyon, lumalabas na binabaril ng suspek ang sinumang makasalubong at maging ang kanyang 7-anyos na inaanak ay pinasok nito sa bahay saka pinaputukan.

Napatay naman ang suspek nang hindi na kayang pasukuin ng mga awtoridad at maging sila ay babarilin na nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply