9-anyos bata, 12-araw sex slave ng 4 magpinsan

crime-rape

BANGKAY na nang matagpuan ang 9-anyos na bata makaraang dukutin ng apat na magpinsan sa Dasmariñas, Cavite.

Nakabusal ang bibig, nakatali ang mga kamay at paa ng biktimang si Sosy Mae habang nakatambak kasama ng mga basura sa isang bakanteng bahay.

Sa imbestigasyon, naglalaro ang bata nang dukutin ng mga lasing na magpipinsan na sina Rodel at Ryan Cubian, isang Jason at isa minor de edad.

Sa presinto, inamin ng magpipinsan na 12-araw nilang pinagparausan ang katawan ng bata hanggang sa mamatay.

Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ng biktima nang sabihing nakipaglibing pa ang mga suspek nang ilibing ang kanyang anak.

Nalutas ang kaso ng isang testigo ang lumutang at ibinulgar ang krimen ng mga suspek.

Nahaharap sa kasong multiple rape with murder ang apat na salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply