9-anyos nilapa ng aso sa Zambo, todas

dog-attacks

PATAY ang 9-anyos na nene makaraang sakmalin ng aso sa Bgy. Cabatangan, Zamboaga City.

Lumalabas na naglalaro ang bata kasama ang ilang kalaro sa labas ng gate ng Fil-Chinese na si Deolo Tan nang ilabas ng huli ang kanyang alaga na German Shepherd para pakainin.

Pero nang makita ng aso ang mga batang naglalaro ay kumawala ito.

Nang magtakbuhan ang mga bata ay minalas na nadapa ang biktima nang mahulog ang kanyang isang paa sa kanal kaya naabutan ng aso.

Dito na sinakmal sa leeg ng aso ang biktima saka iwinasiwas agad nitong ikinamatay.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply