9 Aman Futures official mananatili sa NBI

aman-fuentes-directors

UMAPELA na sa Pagadian Regional Trial Court ang siyam opisyal ng Aman Futures Group Philippines Inc. na payagan silang manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, iginiit nang mga ito na nangangamba sila para sa kanilang buhay kaya mas nais nilang sa NBI na lamang at huwag nang mailipat sa ibang detention facility.

Hindi naman, aniya, tinutulan ng kampo ng prosekusyon ang nasabing mosyon bilang pagsasaalang-alang sa seguridad ng mga nabanggit na akusado.

Kabilang sa mga opisyal ng Aman na nakapiit sa NBI ay ang sinasabing presidente nitong si Fernando Luna at misis na si Nimfa, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez, Lilian Lim Gan, Eduardo Lim at Dhurwin Wenceslao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply