931 biktima ng paputok sa 2013 – DOH

doh-eric-tayag-2

UMABOT lamang sa 931 ang bilang ng mga biktima na may kinalaman sa paputok sa pagsalubong ng  2013.

Ayon kay DOH Spokesman Dr. Eric Tayag, ito ay  base sa pagsasara ng datos na hawak ng Department of Health kaugnay ng inilatag na APIR o Aksyion Paputok Injury Reduction.

Sa ginanap na pulong balitaan ngayong umaga, sinabi ni Tayag na ang nabanggit na datos ay 90 kaso na mas mababa kumpara sa datos noong sinalubong ang 2012.

Kinumpirma ni Tayag na sa 903 kaso, 904 dito ang biktima ng paputok, 25 ang tinamaan ng ligaw na bala ng baril, dalawa ang nakalulon ng paputok at 1 ang patay.

Pinakamataas pa rin na bilang sa mga biktima na may kinalaman sa paputok sa kabila ng kaliwat kanang kampanya ng DOH at ilan pang ahensya ng pamahalaan ay sa Metro Manila, pangalawa ang Gitnang Luzon at pangatlo ang Western Visayas.

Lumabas din sa datos na piccolo pa rin ang pinakamaraming nabiktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply