Stockroom ng 999 Mall sa Maynila nasunog

sunog

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang stockroom ng bicycle shop sa ika-anim na palapag ng 999 Shopping Mall sa Recto Avenue, Maynila kaninang umaga.

Ayon kay Chief Inspector Bonifacio Carta Manila Fire Bureau (MFB), dakong alas-8:07 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang ikaanim na palapag at napilitan pa silang gumamit ng breathing apparatus dahil sa makapal na usok na lumalabas sa stockroom.

Wala ring bentilasyon ang mall kaya nagdala ng portable exhaust fan ang fire department.

Bukod dito, nag-akyat pa ng penetrator firetruck para sa suplay ng tubig.

Nabatid na umabot pa sa ika-pitong palapag ang sunog na idineklarang fire out alas-9:50 ng umaga.

Wala namang nasugatan sa sunog, habang inaalam pa ang dahilan at halaga ng pinsala nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply