Abalos, pinayagan nang makapunta sa Taiwan

benjamin-abalos-1

MATAPOS maunsyami sa pag-alis ng bansa, pinahintulutan na rin kanina ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) si dating Commission on Election (Comelec) Chairman Benjamin Abalos, Sr. na makaalis ng bansa patungong Taiwan upang bumili ng itlog ng bangus para sa kanyang palaisdaan.

Matatandaan na unang pinahintulutan ng korte si Abalos na makalabas ng bansa noong Nobyembre 27 hanggang Nobyembre 30 ng nagdaang taon ngunit hindi natuloy matapos magka-problema sa kanyang pasaporte na malapit ng mapaso.

Muling naghain ng petisyon si Abalos sa sala nina Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 at Judge Eugenio Dela Cruz ng Branch 117 na humihiling na pahintulutan siyang makaalis ng bansa sa Enero 28 hanggang Pebrero 1 makaraang maudlot ang kanyang biyahe.

Kanina ay naglabas na ng resolusyon si Judge Mupas na nagbibigay pahintulot kay Abalos na makaalis ng bansa kapalit ng paglalagak niya ng P200,000 travel bond.

Wala pa namang inilalabas na resolusyon si Judge Dela Cruz subalit kumpiyansa si Abalos na kakatigan din ng hukuman ang kanyang hirit lalo na’t handa naman siyang bumalik at harapin ang mga kasong electoral sabotage na isinampa laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply