AFP doble alerto sa pagtatapos ng SOMO sa NPA

afp-officers

MAS mahigpit na seguridad ang ipatutupad ng Armed Forces (AFP) sa pagtatapos ng Suspension of Military Operation (SOMO) laban sa New People’s Army (NPA).

Doble alerto ngayon ang puwersa ng AFP lalo na sa mga lugar kung saan madaming NPA ang nagkukuta.

Bukod sa pagtatapos ng SOMO, nakaalerto rin ang AFP sa paglalatag ng mga checkpoint hinggil sa pagpapatupad ng election gun ban.

Ang mga checkpoint ng militar ay inilatag lalo na sa mga lugar na tinutukoy ng mga awtoridad na nakapaloob sa 15 high-risk areas sa darating na election.

Ang SOMO ay pinasimulan ng gobyerno nitong nakaraang December 15 na kung saan tumagal ng 30-araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply