Aga Muhlach nagpapasaklolo sa CA

aga

HINILING ng aktor na sina Aga Muhlach at misis na si Charlene Gonzales sa Court of Appeals na pigilan ang San Jose, Camarines Sur Regional Trial Court (RTC) na ipatupad ang desisyon nito noong December 17, 2012 na nag-aatas sa Election Registration Board ng nasabing munisipalidad na alisin sila sa listahan ng mga botante.

Sa 50-pahinang petisyon na inihain ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Romulo Macalintal, hiniling ng mga ito sa korte na magpalabas ng temporary restraining order laban sa nasabing desisyon habang dinidinig pa ang kaso.

Si Aga ay isa sa mga kumakandidato sa congressional race sa Camarines Sur para sa darating na halalan.

Batay sa record, naghain ang mag-asawang Muhlach ng kanilang application for registration bilang botante ng San Jose, Camarines Sur noong March 19, 2012.

Inaprubahan naman ng Election Registration Board (ERB) ng San Jose ang kanilang registration noong September 28, 2012.

Gayunman, nitong Oktubre ng nakaraang taon ay isang petisyon ang inihain sa korte ng ilang botante ng San Jose dahil sa hindi naman nakasunod ang mag-asawa sa itinakdang period of residency upang maging botante sa isang lugar.

Iginiit sa petisyon na premature pa ang petition for the exclusion na inihain laban sa mag-asawang Muhlachs noong October 5 dahil sa ang 6-month period of residency bago ang May 13, 2013 election ay magsisimula pa lang noong November 14, 2012.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply