Ai Ai Delas Alas, Marian Rivera magsasama sa pelikula

marian-rivera

CHICKANG magsasama sa isang pelikula sina Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at Kapuso Queen Marian Rivera ngayong taon.

Ayon sa mga naglipanang chizmaxx sa internet, “Kung Fu Divas” ang tentative na titulo nito.

Bongga dahil ang naturang pelikula ay ipoprodyus ng dalawa. Ito ang unang pagkakataon na makikipag-co-produce si Marian para sa isang proyekto.

Ayon pa sa chizmaxx, si Papa Dingdong Dantes ang nagsusog sa dyowa para magprodyus ng sariling pelikula.

Marian natutulala kay Ai Ai

Ginagawa na raw ang Kung Fu Divas, kaya kung true ito ay tiyak na tuwang-tuwa ang mga movie goers na mahilig sa comedy film dahil sure na riot ito.

Alam naman ng lahat na magaling si Ai sa pagpapatawa kaya nga siya binansagang Comedy Queen habang si Marian ay kadalasang sinasabihang mas mahusay sa comedy kaysa sa drama.

Ayon sa chicka, natutuwa raw si Marian na makatrabaho si Ai at sinabi ng dyowa ni Dingdong sa isang panayam na natutulala siya sa husay ng Comedy Queen. Say pa ni Marian, marami raw siyang natutuhan sa beteranang komedyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply