Air Force Staff Sgt. Lescano, idinipensa ng anak

lescano

PATULOY na naninindigan ang anak ni Air Force Staff Sgt. Armando Lescano, isa sa mga napatay sa shootout sa Atimonan, Quezon na hindi miyembro ng gun for hire o Private Armed Group ang kanyang ama.

Sinabi ng anak ni Lescano na si Eloisa, na matino at tapat sa serbisyo ang kanyang ama.

Naniniwala rin si Eloisa na walang kinalaman ang jueteng sa pagkamatay ng kanyang ama dahil ang tanging alam nila ay nagse-security lang ito sa mga VIP sa iba pang lugar.

Kasabay nito, nanawagan si Eloisa kina Pangulong Noynoy Aquino at DOJ Sec. Leila De Lima na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama.

Si Lescano ay nakatalaga sa 54th squadron ng Investigation and Intel Section Command sa Fernando Airbase sa Lipa, Batangas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply