Airtime limits ng mga political ads, mahigpit na ipapatupad ng Comelec

SA kabila ng mga batikos, nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapatupad ng itinakda nilang limitasyon sa airtime sa mga political advertisements ng mga kandidato sa broadcast media sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, nilinaw niyang hindi na mababago ang kanilang posisyon hinggil sa naturang usapin.

Alinsunod sa bagong rules, ang mga kandidatong tumatakbo sa national posts ay papayagan lamang magkaroon ng 120 minutes na airtime sa TV at
180 minutes sa radyo para sa kanilang campaign ads habang ang mga local na kandidato naman ay bibigyan ng 60 minutong airtime sa TV at 90 minutes naman sa radyo.

Maliban sa mga kandidato, umaalma rin ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa nasabing kautusan ng komisyon.

Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) sa mahigpit na pagpapatupad ng bagong panuntunan hinggil sa pangangampanya para sa nalalapit na 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto brillantes, kanila nang inaasahan na hindi magugustuhan ng mga pulitiko ang naturang bagong panuntunan sa pangangampanya ngunit sa ayaw o sa gusto aniya ng mga ito ay kanila itong ipatutupad.

Binigyang diin ni Brillantes dumaan ang naturang panuntunan sa matinding debate at pag-aaral ng Commission en Banc.

Matatandaang maraming pulitiko at grupo ang kontra sa paglimita ng Comelec sa pagtakbo ng political ads ng mga pulitiko sa radyo’t telebisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply