Akyat bahay gang, tigbak sa panloloob sa bahay ng parak

TUMIMBUWANG sa tama ng baril ang isa sa tatlong miyembro ng Akyat Bahay Gang na nanloob sa bahay ng pulis sa La union kaninang madaling araw (Enero 19).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa batok ang suspect na si Arnold Cabanilla, tubong Rosales, Pangasinan at residente ng Baoco, Benguet.

Isinasailalim naman sa interogasyon ang nakabaril na si P03 Ernesto Ganat Jr., ng Bangar Municipal Police Station para kunin ang pahayag nito hinggil sa insidente.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 1:15 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ni Ganat Jr sa Barangay Central East 1 sa bayan ng Bangar.

Bago ito, pinasok ni Cabanilla at dalawang kasamahan ang bahay ni Ganat Jr. para pagnakawan pero hindi nila alam na ang may-ari nito ay isang pulis.

Pero dahil nagkahulan ang mga aso ay nagising si Ganat Jr at naramdaman nitong may tao sa loob ng kanyag bahay kaya kinuha ang  kanyang service pistol at naaktuhan niya ang tatlong suspect  na bitbit ang mga kagamitan niya sa bahay.

Nag-warning shot muna si Ganat para takutin ang mga  magnanakaw ngunit sa takot na mabaril ay kumaripas ng takbo ang tatlong kawatan  palabas ng bahay kaya pinaputukan pang muli ni Ganat Jr ang mga magnanakaw at nasapul si Canabilla sa bandang batok.

Samantala, isa sa mga nakatakas na suspect ang may tama rin base na rin sa nakitang bahid ng dugo sa kalsadang dinaanan nila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply