Alalay ni Ronald Bae sa masaker kakasuhan

john-paul-lopez

POSIBLENG kasuhan ng awtoridad ang lalaking tumulong sa isang drug addict para maikasa ang pagmasaker sa may walong katao sa Kawit, Cavite nitong nakaraang Biyernes, ayon sa ulat ng pulisya kaninang umaga.

Sinabi ni Senior Supt. Dionisio Borromeo, deputy provincial director ng Cavite police, na may mga testigong nagsasabi na ang suspect na si John Paul Lopez ay nagsilbing alalay ng gunman na si Ronald Bae.

Si Lopez, na isang house caretaker, ay nakitang tinutulungan si Bae na lagyan ng bala ang baril nito sa mga oras na ikinakasa nito ang walang habas na pamamaril. Nakuwelyuhan ito nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

“We are evaluating all the evidences and testimonials, and we are about to file a multiple murder case against John Paul because there are some allegations that he is the accomplice of the suspect,” pahayag ni Borromeo.

Sa presinto, pinasinungalingan naman ito ni Lopez at sinabing pinagbabantaan siyang babarilin ni Bae kung hindi siya susunod sa iniuutos nito. Wala rin aniyang katotohanan na gumagamit siya ng droga.

“Of course that’s his alibi. But there are some witnesses who were telling [the police] he (Lopez) was the one feeding live ammo (ammunition) to the suspect. That’s why we have to consider all these evidences,” sambit ni Borromeo.

“He is also positive of our drug test conducted last night,” pagpapatuloy pa nito.

Sinabi ni Borromeo na nakipagkoordinasyon na siya sa fiscal’s office at sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa pagsasampa ng kasong multiple murder case laban kay Lopez.

“Kapag napatunayan na siya ay may pananagutan sa batas, he will be tried in court,” dagdag pa nito.

Si Bae, ay pinagbabaril ng pulis matapos tumangging sumuko. Sa mga oras na iyon, may walo na ang napatay nito at 10 naman ang sugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply