Alferez Group nagratratan, 1 patay

bangkay

ONSEHAN ang itinuturong dahilan ng pagbabarilan ng mga miyembro ng Alferez Group sa Caloocan City kung saan napatay ang isa.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center si Ed Villanueva, nasa hustong gulang ng Catleya St., Phase 2, Natividad Subd., Deparo ng lungsod at miyembro ng Alferez Group.

Nakatakas naman mga kasama nito na sina Antonio Salvador, isang alyas Jim at alyas Panoy, ng nasabing lugar.

Base sa report ng Caloocan PNP, nakatanggap sila ng impormasyon na may barilan sa isang subdivision sa Caloocan kung saan may sumambulat pa umanong granada.

Sa pagresponde ng pulisya, narekober ang ilang dokumento at matataas na uri ng armas gaya ng shotgun, MK-2 hand grenade, mga bala ng M-14 at M-16 na magpapatunay na ang kilabot na Alferez group ang sangkot sa barilan.

Nakuha rin ng mga pulis ang ilang plaka at rehistro ng sasakyan at mga uniporme ng AFP.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

Ang Alferes group ay sangkot sa mga kasong robbery, kidnapping at iba pang iligal na gawain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply