All-out audit sa MOOE sa Senado ayaw ng M’cañang

juan-ponce-enrile-4

HANDS off ang Malakanyang sa panawagan ng publiko na all-out audit sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at sa iba pang pondo ng Senado na ginastos ng mga senador.

“Being the leader of the Senate, Senate President Juan Ponce Enrile has already openly said that he is in favor of an audit but there should be a vote by the institution itself. We have taken the position that when it comes to the other branches of government, we would defer to their wisdom as to how they operate their own institutions. So we will leave it with the senators to decide as to the proposal and also the endorsement of the Senate President to open up their finance books to auditing firms. We’ll leave it with them,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Todo paliwanag naman ang Malakanyang na magkaiba ang naging hakbang ng pamahalaan sa paghalukay ng judicial fund noong kasagsagan ng impeachment trial kay dating SC Chief Justice Renato Corona at pagkuwestiyon sa pag-utang sa World Bank.

Pinuri naman ng Malakanyang ang naging desisyon ni Senador Enrile na sinusuportahan ang anumang auditing sa MOOE.

“If the Senate President feels that he is not against it, then certainly we hope that the Senate will protect the institution—the reputation of the institution, the integrity of the institution, and vote on the proposal of the Senate President,” aniya pa rin.

Iginiit ng opisyal na iginagalang nila ang hiwalay na kapangyarihan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan sa lehislaturang sangay ng gobyerno.

Samantala, hindi naman inaasahan ng Malakanyang na mauuwi sa personal na banatan ang nangyaring debate sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Alan Peter Cayetano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply