ALL-OUT WAR VS PETTY CRIMES

mano-mano

NGAYON pa lamang pala nag-aala ang Pangulong Aquino sa patuloy na pagtindi ng mga krimen sa ating bansa.

Pero kahit nagpapahayag siya ng pagkaalarma, naroon pa rin ang hibla ng pagtatakip sa tunay na sitwasyon ng krimen sa ating bayan.

Mas mababa pa rin daw ang crime incidents sa panahon ng kanyang administrasyon gayong alam niya sa kanyang puso na hindi totoo ang kanyang sinasabi.

Ito ang major problem natin sa ating mga lider kapag nagsimula na nilang lokohin ang kanilang sarili.

Kailangan munang umupo si Pangulo at magmuni-muni sa mga nangyayari sa bayan para matanggap niyang magmula nang malagay siya sa palasyo ay nagpista na ang mga criminal.

Kung seryoso talaga si Pangulo na sugpuin ang mga criminal, hindi niya gagawing PNP Chief ang mga katulad nila retired General Nicanor Bartolome at General Alan Purisima na pareho niyang bata.

Alam niyang walang kapasidad ang dalawang ito na maging hepe dahil sa kahinaan pero ginawa niyang pinuno ng PNP. Kahit nga station commander ay hindi puwede ang mga ito, Chief PNP pa kaya!

Para lalong patunayan ng Pangulo ng Republika na hindi siya seryoso sa kampanya laban sa mga criminal, hinirang naman niya si Executive Secretary Jojo Ochoa bilang crime czar na alam na naman niyang ang lakad lang nito ay tumagay at magyosi.

Kahit sabihin nating may magandang nagagawa naman ang administrasyon para sa ekonomiya at katatagan ng bansa sa pangkalahatan, hindi pa rin ito nagiging sapat dahil pakiramdam ng ating mga kababayan, patuloy namang umuunlad ang pagdami ng mga criminal.

Noong mga unang buwan ni Noynoy sa Palasyo, may mga tao siya na ating nakausap.

Ang payo ko sa kanila, palakasin ang paglaban sa mga criminal sa pamamagitan ng pagsisimula ng all-out war laban sa mga petty crimes tulad ng cellphone snatching, salisi gang, pick poketting, rugby and solvent boys.

Hindi nila pinaniwalaan ang sinabi kong kapag nasugpo ang maliliit na krimen ay magsisimula nang matakot ang mga malalaking criminal dahil mismong ang Pangulo ang nagpapalipol sa mga petty criminals.

Naniniwala akong ang mga matitinding criminal ngayon ay nagsimula sa pagiging dagang-dingding bago lumaki na parang mga buwaya.

Bago natin takpan ang malalaking butas, unahin natin ang maliliit para maniwala ang ating mamamayan na seryoso tayong linisin ang bansa laban sa mga walanghiya sa kalsada.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply