Alliance of Health Workers nagsagawa ng kilos-protesta sa QC

NAGHIGAAN sa kalsada ang 100 miyembro ng Alliance of Health Workers at iba pang kaalyadong grupo sa tapat ng National Kidney and Transplant Institute, Diagnostic Center sa East Avenue Medical Center, sa Quezon City kaninang umaga.

Ipinoprotesta ng grupo ang napipintong pagbebenta ng mga ospital ng gobyerno sa pangunguna ng pagsasapribado ng Philippine Orthopoedic Center na isasailalim sa pre-bid conference simula ngayong araw.

Bukod dito, nanawagan din ang mga militante kay Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona na magbitiw na sa pwesto.

Tumagal ng halos dalawang oras ang rally na nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply