AMADEO MAYOR VILLANUEVA SINUNGALING DAW SABI NIYA

burdado

NAGSALITA si Mayor Benjo Villanueva ng Amadeo, Cavite matapos ang flag ceremony noong nakaraang Lunes para ipahayag ang kanyang buhol-buhol na hinagpis at buntong hininga. Hehehe.

Kanyang ipinagdiinan. Una, huwag daw paniwalaan ang mga nababasa sa diaryo at ikalawa ay huwag paniwalaan ang nakalagay sa isang sulat na kumakalat ngayon sa Amadeo dahil pawang kasinungalingan umano ang nakalagay rito.

Langya ka rin bumanat, Mayor Benjo, hano, kung makatanggi ay wagas! Yaakks!

Ang nasabing sulat, parekoy, na orihinal na ipinadala sa 8 SB member ay nagtatanong lang naman kung ano na ang nangyari sa malaking halaga ng pera ng Amadeo na dinikwat ng ilang tauhan ni Mayor Benjo Villanueva.

At dahil sa ninakaw na pera kaya ilang buwan ng hindi nakasasahod ang mga empleyado ng munisipyo.

Gamitin mo naman Mayor Benjo ‘yang ulo mo dahil hindi naman ‘yan ginawa ng Diyos para sukluban lang ng sumbrero!

Ano ka ba? Paano mo sasabihing huwag paniniwalaan ang sulat eh, mga empleyado ‘yung mga sinabihan mo!

Ibig sabihin, sila yung mga nakalagay sa sulat na hindi sumusweldo! Eh, sila nga ‘yung mga umaangal na sa gutom!

Bakit mo sinabing kasinungalingan ang mga nakalagay, eh, ipinaalala lang naman doon sa sulat ang sinabi mo noon dyan din sa flag ceremony.

Di ba’t dyan din sa bibig na ‘yan lumabas noon ang mga pag-amin mo na may mga tauhan ka na ibinulsa ang pera ng munisipyo! Ipinahayag mo lang ba ‘yun noon para hindi ka mapagbintangan na utak sa pagdikwat ng pera? Ha?
Sagot!

Anoman ang layunin mo nang sinabi mo ‘yun, ang mahalaga ay pumuslit na mula sa iyong nguso! Tapos ngayon sasabihin mong ‘wag paniwalaan dahil kasinungalingan?

Bakit, hindi ka na ba dapat paniwalaan, Mayor Benjo? At kasabay ng mga usok eh, pawang kasinungalingan ba ang lumalabas dyan sa bibig mo?

Buti nga hindi Villanueva ang apelyido ko, kundi, tiyak na ikahihiya kita! Hak, hak, hak! Ang lupit mo Tsong! Goooo!

Ops, pahabol pa Mayor, hindi ba totoong kamag-anak mo si “Butitug” na utak ng droga d’yan sa Amadeo? Hindi ba totoong mga kamag-anak mo ang nagpapatakbo ng sugal dyan na kahit saklang patay ay pinapatos?

Hindi ba totoo na mula nang maging alkalde ka ay naging apat bigla ang bahay mo? At hindi ba totoo na may tig-iisang asawa ang nakatira sa bawat bahay?

Inggit ako!  Pwe!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply