Amalilio darating sa bansa mamayang gabi

NAKAKASA na ang seguridad para sa pagdating ngayong araw ni Manuel Amalilio, ang utak ng multi-bilyong pisong pyramiding scam.

Batay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang alas-7:45 ng gabi lalapag ang eroplanong sasakyan ng founder ng Aman Futures Philippines Inc. kasama ang apat na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) galing sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mula sa NAIA, susuotan ng bullet proof vest si Amalilio at isasakay sa isang bullet proof na sasakyan at idederetso sa detention cell ng NBI.

Matatandaan na naaresto ng Malaysian authorities si Amalilio sa Kota Kinabalu dahil sa pekeng pasaporte at ID.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply