Amalilio ng Aman Futures, naaresto sa Malaysia

NAARESTO na ang lider ng isa sa pinakamalaking pyramiding group na si Manuel Amalilio.

Kinumpirma ni Justice Secretary Leila de Lima na nakakulong na si Amalilio sa Detention facility ng Malaysian Immigration matapos madakip sa Kota Kinabalu ng mga awtoridad dahil sa pagkakaroon ng pekeng pasaporte at pagkakaroon ng pekeng Malaysian I.D.

Sinabi ni de Lima na agad isasailalim ng Malaysian government sa deportation proceedings si Amalilio dahil sa paglabas sa Immigration law ng naturang bansa at dahil sa kinakaharap na patong patong na warrant of arrest dito sa Pilipinas dahil sa kasong syndicated estafa.

Sinabi ni de Lima na nasa bahagi na ng Kuala Lumpur Malaysia ang mga kinatawan mula sa National Bureau of Investigation upang agad mapabalik sa bansa si Amalilio at mapaharap sa mga kaso.

“Ginagawa na namin ang lahat ng mabilis na paraan upang makuha ang physical custody ni Amalilio upang mapabalik na dito sa atin,” ani kalihim.

Una ng ipinagharap na ng kasong syndicated estafa sa Pagadian RTC ang founder ng Aman futures na si Manuel Amalilio at iba pang opisyal ng kumpanya dahil sa umano’y panloloko sa 15 libong katao sa Mindanao na aabot ng mahigit P12billion pesos.

Sa resolusyon ng Department of Justice, nakasaad na nakitaan ng probable cause para isampa ang kasong syndicated estafa kaugnay ng anila’y grand scale pyramiding scam na nambiktima ng libo libo katao.

Bukod kay Amalilio, kasama sa mga kinasuhan ay sina Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez at Isagani Laluna.

Habang sa hiwalay na resolusyon bukod sa mga nabanggit ay kasama rin sa mga kinasuhan sina Nimfa Luna, Dona Coyme, Dharwin Wenceslao, Dhurwin Wenceslao habang ibinasura ang kaso laban sa iba pang staff ng aman dahil narin sa kawalan ng sapat na probable cause.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply