Anak ng opisyal ng textile factory na dinukot sa Laguna, pinalaya na

NAIBALIK na sa kanyang pamilya, ang anak ng isang opisyal ng textile factory na dinukot ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Calamba, Laguna nitong nakaraang Enero 9, 2013.

Sinabi ng Taiwanese Central News Agency, na ang biktima na kinilalang lamang sa Alyas “Kao”, ay pinakawalan ng mga kidnappers kahapon ng hapon pero hindi idinetalye ang lugar na pinagtagpuan dito .

Ayon sa pulisya, unang humingi ng P20 million na ransom ang mga kidnappers sa pamilya ng bihag ngunit hindi ito nabayaran.

Hindi rin naman malinaw kung paano pinakawalan ang bihag pero lumalabas na hindi naman ito sinaktan at malamang na nagbayad din ng hindi malamang halaga ng ransom ang pamilya nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply