Anak utas sa dospordos ni nanay

crime11

PATAY sa pambubugbog ang isang batang lalaki matapos hatawin ng dos-por-dos ng kanyang sariling ina sa Zambonga del Sur nitong Martes ng gabi (Enero 15).

Batay sa resulta ng medico legal examination ng Zamboanga del Sur Medical Center, ang sanhi ng pagkamatay ni Vince Remasog Dingal, 8, ng Barangay Baga, Dumalinao, ay ang mga bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na pinagpapalo ni Mrs. Dingal ang kanyang anak gamit ang isang matigas na kahoy at ito ay ikinakasa sa tuwing nagkakamali ang paslit.

Inaalam din ng pulisya kung may iba pang dahilan kung bakit laging sinasaktan ng suspek ang kanyang anak sa kabila ng musmos na katawan nito.

Nakakulong na sa Dumalinao municipal police station ang naturang ginang at nahaharap sa kasong parricide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply