ANG 4-WAY TEST NG NAVY

usapang mandaragat

MALAMANG ay pamilyar na kayo sa mga “way-test” o iyong mga kalimitang itinatanong ng isang tao sa kanyang sarili bago siya magdesisyon o umaksyon.

Ang mga way-test na ito ay nagsisilbing gabay upang hindi maligaw o mabaluktot ang isang tao lalo na kapag siya ay may mahalagang gagawin.

Sa Navy ay mayroon ding way-test at ang tawag dito ay ang Navy 4-way test.

Ang way-test na ito ay binubuo ng apat na katanungan ng isang tauhan ng Navy, Mandaragat o Mandirigma man siya, sa kanyang sarili hinggil sa kanyang pang-araw-araw na gawain at tungkulin.

Una – Ang gagawin ko ba ay makatutulong sa ikatatagumpay ng aking misyon?

Ibig sabihin nito ay dapat lamang na ang mga gawain ng isang tauhan ng Navy ay makatutulong sa tagumpay ng kanyang misyon at ang misyon ng kanyang unit.

Pangalawa – Ang gagawin ko ba ay magsusulong ng kabisahan at kahusayan ng aking tungkulin?

Sa tanong na ito ay binibigyang halaga ang kahusayan at pagkamabisa ng isang tao sa paggawa ng kanyang tungkulin saan o kailan man.

Pangatlo – Ang gagawin ko ba ay magsusulong ng interes ng taumbayan?

Ibig sabihin nito ay nararapat lamang na bilang mga tauhan ng Navy ay mabigyan ng karampatang halaga ang interes o ang ikabubuti ng ating mga kababayan na siyang pangunahing stakeholder ng Navy.

Pang-apat – Ang gagawin ko ba ay magtutulak ng tiwala ng taumbayan?

Sa panghuling katanungan sa tauhan ng Navy ay bibigyang halaga niya ang tiwala ng taumbayan hindi lamang sa kanya kundi sa buong Hukbong Dagat.

Ibig sabihin nito ay nararapat lamang na mapanatili at mapaigting pa ang tiwala ng taumbayan sa buong Hukbong Dagat.

Sadyang ‘di matatawaran ang pagpapahalaga ng Navy sa kapakanan ng bayan.

Tunay na ang taumbayan ang siyang pinaglilingkuran at siya ring nagmamay-ari sa Philippine Navy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply