ANG CAMPUS SAFETY ACT

trending-ngayon-sonny-angara

NOONG unang linggo ng Disyembre ng nakaraang taon, nag-break lang sa practice ang Far Eastern University Drums and Bugle Corps members na sina Juan Paulo Nepomuceno, Gerald Martin Ramos, at Adrian Joseph Santiago, at bumili lang sila ng pagkain nang pagbabarilin ng grupo ng armadong kalalakihan sa harap mismo ng campus nila.

Namatay sa mga tama ng bala sa University of Santo Tomas Hopital sina Juan Paulo at Gerald Martin at mapalad na nakaligtas si Adrian Joseph.

Ayon sa Federation of Associations of Private School and Administrators (FAPSA), naging “sitting target” ng mga kriminal at pusakal ang mga paaralan sa mga nakalipas na taon.

Bago ang nangyaring pamamaril na iyon, bandang Oktubre ng parehong taon, nagkaroon muna ng insidente ng pananaksak sa loob mismo ng FEU campus.

Sa police report, naglalakad sa loob ng naturang campus ang UST student na si Joanne Lourdes Reyes para manood ng film showing nang pagsasaksakin siya ng apat hanggang anim na kababaihan.

Inihayag ng FAPSA na nagdudulot ng panganib at takot sa mga estudyante at guro ang mga insidente ng krimen sa mga unibersidad.

Hindi lamang sa mga unibersidad sa Metro Manila madalas na nagaganap ang iba’t ibang klase ng krimen. Lumalabas sa ulat ng pambansang pulis na nangyayari rin ang mga ito sa ilang paaralan sa mga probinsiya pero hindi nababalita sa mainstream media.

Kahit nahuli na ang suspects sa rape-slay ng isang UPLB student noong 2011 at naghigpit ng seguridad ang awtoridad sa palibot ng kanilang campus, may ilang insidente pa ring nangyari rito.

Napapanahon ang pag-apruba sa aking isinusulong na Campus Safety Act na naglalayong higpitan ang pagpapatupad ng seguridad sa lahat ng paaralan para maprotektahan ang mga estudyante, guro, at empleyado laban sa mga kriminal at pusakal.

Ipag-aatas ng Campus Safety Act ang pagkakaroon ng crime prevention committee sa bawat unibersidad at kolehiyo.

Ang crime prevention committee ng unibersidad ang gagawa ng plano at estratehiya sa law enforcement sa kanilang campus.

Hinihingi ng panukala na kinakailangang maglaan ng budget ang unibersidad para maipatupad ang mahigpit na seguridad sa kanilang campus.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon at komento, pumunta sa aking website na www.sonny-angara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonny-angara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply