ANG GANDA NG UGALING PINOY BAKIT KAILANGANG BAGUHIN?

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

TUMINGIN ka sa iyong paligid. Gusto mo ba ang iyong nakikita?

Maraming babae at matatanda na nakatayo sa tren. ‘Di na inaalintana ng mga kalalakihang nakaupo ng komportable habang nanginginig ang mga tuhod ng matatanda at nagmamanhid na ang mga kamay ng mga babaeng kapit tuko para makabalanse habang tumatakbo ang tren.

Ganyan na ang normal na makikita mo sa kahit anong LRT o MRT dito sa Maynila. Ano na ang nangyari sa atin? Nasaan na ang mga maginoo na tatayo agad para ialok ang upuan sa bata, babae o matanda?

Ano na ang nangyari sa ating mga Filipino? Ang hirap kasi sa atin – ‘di natin naa-appreciate ang maganda sa atin bilang tao … bilang isang lahi. Parati na lang na mas maganda at superior ang ibang lahi sa atin. Kaya’t ang kayumanggi, gustong magpaputi. At ang pango, gustong magpatangos ng ilong.

Kaya tuloy, ayan … kahit na ‘yung magandang asal nating mga Filipino na pagrespeto at pagbigay halaga sa mga bata, kababaihan, at mga may edad ay unti-unti nang naglaho.

Paano — ‘di uso sa States ang “dalagang Filipina” – kailangan na kaya mo ang kaya ng lalaki. Kailangan independent ka – sa isip, at sa kilos. Girl power. Gender equality.

Ang ironic pa rito, mga babae pa mismo ang nangunguna sa pagsulong nito. Diyosa na nga ang turing sa mga kababaihan dito sa Pilipinas. Ni ayaw padapuan ng alikabok.

Ayaw niyo pa ‘yon? Naisahan yata kayo r’un. ‘Yan ang hirap pag masyadong kolonyal ang pag-iisip. ‘Yan ang malungkot kung mga dayuhang pananaw at prinsipyo ang pinaglalaban ng mga taong kung pangalandakan nila ay sila’y mga makabayan.

Ngayon naman, ika nga ni Atty. Jason Migrino ng PAO Pateros, mas gusto ng mga nagsusulong ng diborsyo na bigyan ng pagkakataon ang mga kalalakihan para makapag-upgrade ng misis? Mali yata ang equation … hindi lalaki ang lugi rito.

Para sa akin, mas maganda pa ang buhay n’ung mga panahon na may paggalang pa tayo sa ating kapwa at marunong tayong magsakripisyo at magbigay para sa kanila.

‘Di tulad ngayon, gusto rin nating matulad sa mga dayuhan na pansarili lang ang iniisip.

Tulad ng sinabi ko na rati rito … ang China, malambot na ang one child policy nila, at ang Singapore, may insentibo pa para sa mga magkakaanak ng marami.

Laman ulit ito ng mga pahayagan at balita nitong mga nakaraang araw. Sila pabalik na, tayo papunta pa lang … eh bakit natin ginagaya ang mali ng mga nauna na sa atin pero namulat sa pagkakamali ng population control at Reproductive Health?

‘Yan ang mahirap sa gaya-gaya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply