ANG MGA ALASKADOR

trending-ngayon-sonny-angara

KINILALA kamakailan ng London-based luxury travel magazine na Conde Nast Traveller ang Pilipinas bilang isa sa “Destinations to Watch in 2013” dahil sa matatagpuang magagandang isla sa bansa.

Isinama ng New York-based na Travel+Leisure Magazine ang Pilipinas bilang isa sa “Hottest Travel Destinations of 2013” habang isinali naman ng The New York Times ang bansa sa listahan nito ng “Places To Go in 2013.”

Sa kabila ng mga papuri na natanggap ng ating bansa sa mga tanyag na international travel publication, kailangan pa ng ibayong pagtutulungan ng lahat ng pampubliko at pribadong sektor para lalong lumakas  ang  industriya sa  bansa.

Nakabuwelo noong 2013 ang Philippine tourism. May momentum tayong nakuha na hindi dapat masayang at kailangang mahigitan pa ng gobyerno, private sectors, at stakeholders ang mga puhunang naipundar.

Ang pagkakabanggit sa Pilipinas sa mga kilalang travel magazine sa buong mundo na makatutulong sa tiwala ng ating turismo, na magagamit para makamit ang target ng gobyerno para sa mga susunod na taon.

Pero dapat na may katuwang ang DOT sa pagsusumikap nito. Makapag-a-ambag nang malaki ang DOTC, DFA, DPWH, PNP, at maging ang private stakeholders para magkaroon tayo ng brand.

Nababago na ang pagtingin sa Pilipinas at lalo pang gaganda ang persepsiyon kung magkakaroon ng mga tunay na reporma.

Mababasa sa ilang tala at ulat ng gobyerno na nahuhuli pa rin ang Pilipinas pagdating sa tourism growth.

Umabot ng 4.3 milyon ang mga turista sa bansa noong nakaraang taon na malayo sa 22 milyong turista sa Thailand at 46 milyong turista sa Hong Kong noong 2012.

Kailangan nang may gawin sa lalong madaling panahon kung nais nating makamit ang target ng gobyerno na 10 milyong turista sa bansa para sa 2016.

Realistic ito. Kaya naman natin.

***

May ilang kaibigan ako sa House at ka-batch sa high school na kinakantiyawan ako ngayon dahil sa aking picture na lumabas sa Inquirer.

Mukha raw akong member ng isang boy band sa picture.

Sa buhay, may mga kaibigan at ka-batch na talagang alaskador at ako ang alaskado ngayon. Okay lang.

Ang iniisip ko lamang ay baka maging viral sa Internet ang aking picture. Doon ako lagot.

May pupulutanin na naman ang mga ka-batch kong alaskador sa susunod naming high school reunion.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply