“Ani ng Sining Philippine Arts Festival 2013” sa Marikina ilulunsad

ani-ng-sining

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero, ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang pamahalaang lungsod ng Marikina ay naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa Ani ng Sining Philippine Arts Festival 2013.

May temang “Celebrating our Icon”, layunin ng programang ito na makipakita at maipagmalaki ang mga tao, lugar, o tatak ng mga Pilipino na nagbigay ng malaking bahagi sa pagyabong ng sining at kultura sa buong bansa.

Ilan sa mga aktibidad na isasagawa ng lungsod ay ang sumusunod: Comics Exhibit (Ika-4 hanggang ika-15 ng Pebrero sa Marikina City Hall); Painting and Arts and Craft Exhibit (Ika-18 hanggang ika- 28 ng Pebrero sa Marikina City Hall); art seminar at workshop (ika- 5 at ika- 7 ng Pebrero, sa Teatro Marikina sa pangunguna ng batikang comic artists na sina Danny Acuña at Ernest Hernandez, at sa ika-6 ng Pebrero sa Marikina City Hall); rondalla demo ng Rondalla Marikina (ika-11 hanggang ika-14 sa Marikina City Hall);  Post Valentine Mini Concert ng PLMar Chorale (ika-15 ng Pebrero sa Marikina City Hall kasama ang mga nakatatanda, at sa ika-16 ng Pebrero sa SM City Marikina).

Samantala isasagawa naman ang Cultural Forum sa ika- 9 ng Pebrero sa Marikina City Hall, kung saan tatalakayin ang Social Realism sa pangunguna ni visual artist Karen Flores, dating officer-in-charge ng Museo Division ng Cultural Center of the Philippines, at Kultura ng Kasalukuyang Panahon sa pangunguna ng visual artist na si Renan Ortiz na kabilang sa Concerned Artist of the Philippines at miyembro ng Visual Arts Committee ng NCCA. Sa ika-27 ng Pebrero naman ay isasagawa ang Tagisan ng mga Mandudula mula ika-1 hanggang ika-5 ng hapon sa Teatro Marikina.

Sa ika-6 ng Pebrero, ang lungsod ng Marikina ay magiging isa sa mga host/venue partner ng NCCA sa pagbubukas ng Ani ng Sining Philippine Arts Festival 2013 kung saan magkakaroon ng ilang programa sa mga landmark ng lungsod tulad ng Our Lady of the Abandoned Church, Kapitan Moy, at sa bantayog ni Marikit-na sa River Park.

“Ang pagririwang ng ating kultura at sining ay isang magandang pag-aalala sa ating mayamang kasaysayan. Dito nasasalamin ang ating pinagmulan, gawi at pagkakakilanlan. Ito rin ang magtatawid sa atin sa hinaharap. Inaanyayahan natin lahat na manood, makiisa at makibahagi sa mga aktibidad na ating inihanda lalo na sa mga kabataan,” wika ni Mayor Del De Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply